Naniniwala si Supreme Court Associate Justice Mario Lopez na sa kabila ng pagyabong ng makabagong teknolohiya, hindi pa rin kayang palitan ng Artifical Intelligence (AI) ang tao.
Iyan ang binigyang diin ni Justice Lopez sa kaniyang talumpati sa dinaluhang Commencement Exercises ng Arellano University School of Law, sa PICC sa Pasay City, kahapon.
Sinabi ng Mahistrado sa mga Law Graduate, na ang Artificial Intelligence ay dapat maging kaagapay o katuwang at hindi dapat nito palitan ang tao partikular na ang mga abogado.
Aniya, maraming kalamangan ang tao dahil ito’y may malalim na pang-unawa, marunong magmalasakit at mabuting konsensya, bagay na wala naman sa isang robot o AI.
Hindi rin aniya kayang makapagpasya ng isang AI sa mga kaso sa pamamagitan ng judicial temperament, bukas na kaisipan, integridad at independensya.
Kaya naman pinayuhan ni Justice Lopez ang mga Law Graduate, na bilang mga susunod na abogado, kailangan pa ring manaig higit sa lahat ang kanilang pagiging tao at hindi matulad sa isang robot. | ulat ni Jaymark Dagala
📸: SC-PIO