Mga apektado ng Bulkang Mayon, lagpas na sa 42,000

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umabot na sa 11,045 pamilya o 42,815 indibidwal ang naaapektuhan ng pag-aalburuto ng Bulkang Mayon sa Albay.

Batay ito sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Lunes, Hulyo 3.

Nagmula ang mga apektadong residente sa 26 barangay sa lalawigan, kung saan 5,775 pamilya o 20,314 indibidwal ang sumisilong sa 28 evacuation center.

Habang 408 pamilya o 1,427 na indibidual ang pinagkakalooban ng tulong sa labas ng mga evacuation center.

Sa ngayon, mahigit sa 131 milyong pisong halaga ng tulong ang naipamahagi ng pamahalaan sa mga apektado ng bulkan. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us