Nagsagawa ng relief operations ang tanggapan ni House Speaker Martin Romualdez at Tingog Party-list sa mga residente ng Palauig at Masinloc sa Zambales na binaha dahil sa bagyong Dodong.
Nasa 441 relief packs ang ipinamahagi sa anim na barangay sa Masinloc na apektado ng pagbaha habang 1,217 naman na ayuda ang ipinadala sa walong barangay sa Palauig.
Sa kasalukuyan, nasa higit 2,000 pamilya ang namamalagi sa dalawang evacuation center sa Masinloc, habang mayroong higit 540 na pamilya ang inilikas sa Palauig.
Nangako naman si Speaker Romualdez sa mga residente na maliban sa paunang ayuda ay tutulong din sila upang makatayong muli mula sa naranasang kalamidad.
“There is practically no time to lose during disasters like typhoons and floods. We will do our best to help respond to your needs as we monitor the situation with other authorities. This assurance is not only for the people in Zambales but also for Filipinos affected by Dodong in other areas,” saad ni Speaker Romualdez. | ulat ni Kathleen Jean Forbes