Aabot pa sa 5,773 ang bilang ng mga pamilya o katumbas ng 20,178 katao ang nananatili pa rin sa iba’t ibang evacuation centers sa Albay.
Batay sa ulat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), mula sa kabuuang bilang, 408 lang na pamilya ang nasa outside evacuation centers.
Ang mga displaced family ay mula sa kabuuang bilang na 10,652 pamilya o 41,517 katao na naapektuhan sa patuloy na pag-aalburoto ng bulkan.
Dalawampu’t anim (26) na barangay ang apektado mula sa walong (8) munisipalidad sa Albay.
Sinisiguro naman ng DSWD na may sapat pang suplay ng family food packs at non-food items ang warehouses nito para sa pangangailangan ng evacuees.
Kahapon ay nagsagawa ng coordination meeting at pagsusuri ang field office 5 sa ilang evacuation center sa Camalig para matukoy ang kakulangan at pangangailangan pa ng mga pamilya. | ulat ni Rey Ferrer