Mga electric cooperative, pinaghahanda na sa pagdating ni Tropical Depression Egay -NEA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inalerto na ng National Electrification Administration (NEA) ang mga Electric Cooperative sa paparating na tropical depression Egay.

Sa abiso ng NEA, kailangang magpatupad ng mga contingency measures ang mga apektadong ECs upang maibsan ang epekto ng sama ng panahon.

Inaatasan na rin ang mga ECs na i-activate ang kanilang Emergency Response Organizations
(ERO) kung kinakailangan.

Dapat tiyakin din na lahat ng mga kagamitan at buffer stocks na kinakailangan ay nakahanda na para sa restoration activities.

Batay sa huling ulat ng Pagasa, ang Tropical Depression Egay ay huling namataan sa layong 815 kilometro sa Silangan ng Timog-Silangan ng Luzon.

Mabagal na gumagalaw ito pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 10 kilometro kada oras taglay ang lakas ng hangin na 55 kilometro kada oras malapit sa gitna at bugso na 70 kilometro kada oras. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us