Mga empleyado ng COMELEC na mabibigong ma-liquidate ang ₱700 million na cash advances, kakasuhan ng Komisyon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi magdadalawang-isip ang Commission on Elections (COMELEC) na kasuhan nito ang sariling mga empleyado na mabibigo na ma-liquidate ang natitirang mga cash advances na umaabot sa ₱700 million.

Ayon kay Atty. John Rex Laudiangco, spokesperson ng COMELEC, inatasan na ng komisyon ang kanilang mga empleyado na tapusin na ang liquidation sa lalong madaling panahon.

Matatandaan na umabot sa mahigit ₱2 bilyong piso ang sinita ng Commission on Audit (COA) na umanoy mga cash advances na hindi pa na-liquidate ng COMELEC sa nakaraang 2022 Presidential elections.

Pero sabi ni Laudiangco, nasa ₱700 million na lamang ang hindi pa naaayos na mga papeles.

Kinailangan daw ang cash advances noong nakaraang taon upang ipampasweldo sa mga guro na nagsilbi bilang mga election board of canvassers, bayad sa venue ng mga training, at maraming iba pa.

Ngunit kung hindi pa rin daw maayos ng kanilang mga empleyado, mismong COMELEC na ang magsasampa ng kaso sa mga ito. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us