Mga indibidwal na apektado ng habagat at bagyong Egay, higit 300,000 na — DSWD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sumampa na sa higit 100,000 pamilya o katumbas ng 342,096 indibidwal ang apektado ng malakas na pag-ulan at pagbaha dulot ng Habagat at Bagyong Egay, batay yan sa pinakahuling datos mula sa Department of Social welfare and Development (DSWD) Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, as of July 26.

Mula ito sa 813 na barangay mula sa Regions I, II, III, CALABARZON, MIMAROPA, V, VI, VIl, VIll, XII, at CAR.

Kaugnay nito, umakyat na rin sa 5,790 na pamilya o 19,714 indibidwal ang nananatili sa 346 na itinalagang evacuation centers.

Habang mayroon ding halos 2,000 pamilya ang pansamantalang nakitira muna sa kaanak.

Kaugnay nito, tuloy-tuloy naman ang buhos ng tulong ng DSWD katuwang ang mga lokal na pamahalaan at NGOs sa mga apektadong residente.

Sa pinakahuling tala ng kagawaran, aabot na rin sa higit ₱11.3-million ang naipamahagi nitong relief assistance. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us