Mga malalaking ilog sa Zamboanga del Sur at Zamboanga del Norte, bahagyang tumaas ang tubig-baha dulot ng patuloy na pagbuhos ng ulan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bahagyang tumaas ang tubig-baha sa iilang mga malalaking ilog sa lalawigan ng Zamboanga del Sur at Zamboanga del Norte dahil sa tuluy-tuloy na pagbuhos ng kaninang hapon.

Ito’y dulot ng localized thunderstorms na umiiral sa bahagi ng kanlurang Mindanao.

Ang mga ilog na tumaas ang tubig-baha ay ang Calolot at Usugan rivers sa bayan ng Tambulig sa lalawigan ng Zamboanga del Sur, ang mga ilog sa Barangay Poblacion at Barangay Siparok sa bayan ng Jose Dalman sa Zamboanga del Norte, at ang iilang mga ilog sa Pagadian City sa lalawigan ng Zamboanga del Sur.

At dahil sa Orange Rainfall Warning sa Zamboanga del Sur na pinadala ng NDRRMC kaninang pasado alas 6:00 ngayong gabi, nakahanda’t nagmo-monitor ngayon ang PDRRMC Zamboanga del Sur sa sitwasyon ng mga malaking ilog, at sa mga landslide prone areas sa lalawigan.| ulat ni Celestino Villavito-Escuadro| RP1 Zamboanga

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us