Nasa 30 Badjao fisherfolk ang nabahagian ng tulong ng Ako Bicol partylist sa pangunguna ni House Appropriations Committee Chair Elizaldy Co.
Ang naturang mga mangingisda ay makatatanggap ng motorized banca at iba pang modernong kagamitang pangisda upang mas maparami ang kanilang huli.
Maliban dito, mayroon ding P15,000 na cash assistance na ipinagkaloob si Co upang makapagsimula sila ng dagdag pang pagkakakitaan.
“Ang tulong na ito ay hindi lamang magbibigay sa kanila ng hanapbuhay ngunit magdudulot din ito sa pangkalahatang paglago ng ekonomiya at kagalingan ng Badjao community.” ani Co.
Umaasa ang kinatawan na sa pamamagitan ng tulong na ito katuwang ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, ay magkakaroon ng economic self-sufficiency ang Badjao community upang makatulong sa pag-ahon nila sa kahirapan. | ulat ni Kathleen Jean Forbes