Halos sunud-sunod ngayon ang natatanggap na imbitasyon ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. mula sa iba’t ibang mga bansa.
Pagbabahagi ni House Speaker Martin Romualdez sa isang panayam nitong nakaraang state visit ng pangulo sa Malaysia, napaka popular ngayon ng Chief executive ng Pilipinas, hindi lang sa mga kapwa state leader kundi maging sa mga negosyante.
Madali aniya kasi kausap, approachable at mapagkumbaba ang pangulo.
“Yun ang problema dito. And daming invitation kasi nakikita nyo ang daming..they find him so statesman-like, very open and even the big businessmen here [Malaysia] they find him very humble, approachable and very open. So that. Means so much to them,” ani Romualdez.
Nakarating din aniya sa mga negosyante ang ilan sa highlight ng katatapos lang na State of the Nation Address ng pangulo ay positibo ang pagtaggap nila, lalo na sa pagpapalakas ng imprastraktura ng Pilipinas.
“Some of the businessmen are here talking about the SONA. Kasi yung SONA natin, napi-pick up na nila. Some businessmen are..were attending the roundtable because they have heard of the SONA speech and the plans. For instance, like the 8.3 trillion into infra, napa- ‘wow’…okay pala to.. talagang seryoso talaga si PBBM dito sa roll-up ng infrastructure buildup. So he’s definitely caught the attention of the international community particularly sa region,” dagdag ni Romualdez.
Isa sa aniya mga posibleng sunod na bisitahin ng Pang. Marcos Jr. ay ang Brunei, ngunit nakadepende pa rin aniya ito sa rekomendasyon ni Foreign Affairs Sec. Enrique Manalo.| ulat ni Kathleen Jean Forbes