Patuloy pang nadaragdagan ang mga nagbubukas na pantalan matapos alisin ng PAGASA ang Typhoon Signal bunsod ng bagyong Egay.
Batay sa datos ng Philippine Coast Guard (PCG), pinayagan na ang pagbiyahe ng mga malalaking sasakyang pandagat sa mga pantalan sa Bicol Region, Batangas, at Mindoro.
Gayunman, sinabi ni Coast Guard Spokesperson, RAdm. Armand Balilo na nananatili pa ring suspendido ang biyahe ng mga barko at iba pang malalaking sasakyang pandagat sa mga pantalan ng Lucena, Puerto Real, at nalalabing bahagi ng Eastern Visayas gayundin sa Manila North Harbor
Ito’y dahil aniya sa nananatili pang nakataas ang gale warning o nakararanas ng malakas na hampas ng alon sa mga nabanggit na pantalan na epekto pa rin ng bagyo.
Nagresulta rin ito ani Balilo sa pagbaba ng bilang ng mga stranded na pasahero. | ulat ni Jaymark Dagala