Mga nasunugan sa Cotabato City, pinaabutan ng tulong ng Speaker’s Office at Tingog party-list

Facebook
Twitter
LinkedIn

Agad sumaklolo ang Office of the Speaker at Tingog Party-list sa mga nasunugan sa Cotabato City.

Nasa 200 pamilya ang naapektuhan ng sunog na naganap noong Hulyo 5, 2023 sa Purok Tadman, Poblacion 7, Cotabato City.

Tinatayang 80 kabahayan ang natupok.

Bilang paunang tulong, agad nagpadala ang Tingog Party-list Cotabato ng 250 na hot meals at 80 galon ng purified water sa Datu Siang Elementary School na nagsisilbing evacuation center ng mga nasunugan.

Inaasahang mamamahagi naman si Speaker Martin Romualdez ng relief goods sa Martes, July 11.

Maliban dito ay nakipag-ugnayan ang Speaker’s Office sa DSWD para sa assistance to individuals in crisis situations (AICS) distribution.

P10,000 na tulong ang matatanggap ng mga pamilya na totally damage ang bahay at 5,000 naman para sa mga partially damaged.

May tulong pinansyal din na P3,000 para sa mga nakikitira o nangungupahan sa naturang mga bahay.| ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us