Muling ipinaalala ng Philippine Coast Guard sa lahat ng mga may-ari o operator gayundin sa mga kapitan ng sasakyang pandagat ang kanilang malaking pananagutan sa mga pasahero.
Ito ang inihayag ni Coast Guard Commandant, Adm. Artemio Abu kasunod ng pagkakasawi ng may dalawampu’t anim na pasahero matapos tumaob motorbanca MBCA Princess Aya Express sa Laguna de Bay kahapon.
Ayon kay Abu, kailangang tiyakin ng mga operator at kapitan ng mga sasakyang pandagat ang kaligtasan ng mga pasahero tulad ng pagpapasakay ng sapat na bilang at pagpapasuot ng life jackets sa lahat ng oras habang bumibiyahe.
Binigyang diin pa ni Abu na ang ipinatutupad ng Coast Guard ang mga umiiral na batas pangseguridad kasama na ang pagkakasa ng inspeksyon sa mga sasakyan kaya’t tungkulin din ng mga may-ari nito na sundin ang mga patakaran.
Aniya, kung mahigpit ang pagtalima ng mga operator at kapitan sa mga ipinatutupad na panuntunan, tiyak na susundin din ito ng mga pasahero at matitiyak ang isang ligtas na pagbiyahe. | ulat ni Jaymark Dagala
🎥: PCG