Mga pamilya sa Estero De Magdalena sa Maynila, inilikas ng NHA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinimulan na ng National Housing Authority ang paglipat sa mga residente mula sa Estero de Magdalena sa Binondo, Manila.

Sa direktiba ni General Manager Joeben Tai, may kabuuang 32 pamilya ang ililipat sa proyektong pabahay ng NHA sa Sunshine Ville 2, Brgy. Cabuco, Trece Martires, Cavite.

Napilitang ilipat ang mga pamilyang naninirahan sa nasabing estero nang mabagsakan ng malaking puno ng balete ang ilang kabahayan doon.

Ipinangako ni GM Tai na pagkalooban ng pabahay ang mga  pamilya para maialis sa delikadong lugar alinsunod sa mandato ng NHA. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us