Mga pamilyang itinuturing ang sariling mahirap, bumaba sa 45% — SWS

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bumaba ang bilang ng mga pamilyang Pilipino na ikinukunsidera ang sarili na mahirap batay sa ikalawang quarter survey ng Social Weather Station (SWS).

Sa nationwide survey na isinagawa mula June 28 hanggang July 1, lumalabas na 45% ng mga pamilyang Pilipino ang nagsabing mahirap sila, 6% mas mababa kumpara sa 51% nationwide self-rated poor noong unang bahagi ng 2023.

Nasa 33% naman ng respondents ang sinabing pasok sila sa borderline poor, habang umakyat sa 22% ang itinuturing ang sarili na hindi mahirap.

Batay sa naturang survey, kumakatawan sa 12.5 million ang bilang ng self-rated na mahihirap na pamilya na mas mababa kumpara sa 14 million noong Marso.

Makikita rin sa survey na bumaba ang self-rated poor sa lahat ng rehiyon kasama na ang Metro Manila na bumaba sa 35% mula sa 40% ang nagsabing sila’y mahirap.

Kaugnay nito, bumaba rin sa 34% ang mga pamilyang itinuturing ang sarili bilang food-poor o katumbas ng 9.2 milyong pamilya.

Isinagawa ang survey sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,500 indibidwal na may edad 18 pataas. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us