Mga pamilyang nasawi sa pagtaob ng motorbanca sa Rizal, tinulungan ng DSWD 

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaabot na ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga naulilang pamilya ng mga pasaherong nasawi sa paglubog ng motorbanca sa Binangonan, Rizal.

Sa ulat ng DSWD Field Office CALABARZON, may 18 pamilya mula sa Talim Island ang pinagkalooban na ng P10,000 bawat isa.

Sumailalim na rin sa simultaneous psychological first aid (PFA) ang mga miyembro ng pamilya upang maibsan ang naramdamang trauma.

Nangako pa ang ang DSWD na bibigyan din ng tulong pinansiyal ang iba pang pamilya ng nasawi sa susunod na mga araw.

Batay sa ulat, 27 ang bilang ng sakay na pasahero ang nasawi sa trahedya at 40 ang nakaligtas.

Samantala, pinagkalooban na rin ng financial assistance ang pamilya ng 14 anyos na batang lalaki na nalunod sa San Miguel Bulacan sa kasagsagan ng pananalasa ni Super typhoon Egay. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us