Mga personnel ng PCG, magiging benepisyaryo na rin ng Pambansang Pabahay

Facebook
Twitter
LinkedIn

May pagkakataon na rin ang mga miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) na magkaroon ng sariling bahay sa tulong ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing (#4PH) Program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Kasunod ito ng pagkakaroon ng kasunduan ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) sa Philippine Coast Guard (PCG) para mapasama na rin bilang benepisyaryo ng Pambansang Pabahay ang mga PCG personnel.

Pinangunahan nina DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar at PCG OIC Vice Admiral Rolando Punzalan Jr. ang paglagda sa Memorandum of Agreement para maselyuhan ang kasunduan.

Ayon sa DHSUD, ito ay kauna-unahan para sa uniformed services sa ilalim ng 4PH.

Kaugnay nito, sinabi ni Secretary Acuzar na ang kasunduan sa PCG ay nakalinya sa direktiba ni Pang. Marcos na isama ang mga uniformed personnel bilang prayoridad sa 4PH.

Welcome naman para kay Vice Admiral Punzalan ang naturang partnership na aniya ay isang malaking ‘boost’ sa morale at kapakanan ng PCG.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us