Mga programa para sa mental health ng mga sundalo, isinulong ng Phil. Army at CHR

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpasalamat si Philippine Army Chief Lt. Gen. Romeo Brawner Jr. sa Philippine Army Human Rights Office (AHRO) at Commission on Human Rights (CHR) sa pagsulong ng mga “mental health program” at “culture of safe spaces” sa militar.

Ito ang inihayag ni Gen. Brawner sa pagbisita ni CHR Chairperson Atty. Richard P. Palpal-latoc sa Philippine Army Headquarters sa Fort Bonifacio.

Sa pagpupulong ng dalawang opisyal, iniulat ni Lt. Gen. Brawner ang paglikha nila ng “safe spaces” sa Army na nagpapahalaga sa pag-respeto at pagiging bukas sa “social differences” ng iba’t ibang indibidwal.

Nagpahayag naman ng kasiyahan si Chairperson Palpal-latoc sa pagiging pro-active ng Philippine Army sa pagtataguyod ng karapatang pantao sa pamamagitan ng pagsasanay, information dissemination, at diyalogo sa mga opisyal at tauhan sa kampo at sa field.

Tiniyak naman ni Gen. Brawner kay Chairperson Palpal-latoc na patuloy na makikipagtulungan ang Phil. Army sa CHR, para lumikha ng “safe and secure environment” at “holistic mental health program” para sa benepisyo ng mga sibilyan at sundalo sa militar. | ulat ni Leo Sarne

📷: Cpl. Rodgen V. Quirante, OACPA

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us