Mga raliyista, pinayuhan na gawing peaceful at orderly ang kanilang kilos-protesta sa SONA ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaalala ang Quezon City Department of Public Order and Safety sa mga raliyista na gawing peaceful at orderly ang kanilang aktibidad ngayong araw.

Sinabi ni QC-DPOS Head Elmo San Diego na batay ito sa kanilang napagkasunduan bago pinayagan ng city government na makapagdaos sila ng rally sa Commonwealth Avenue.

Kailangan din nilang sumunod sa guidelines ng Inter-Agency Task Force of the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) lalo na ang health protocols.

Hindi rin dapat maapektuhan ang normal na daloy ng trapiko ng kanilang aktibidad hanggang matapos.

Pinayagan ang mga militanteng grupo na magamit ang Commonwealth Avenue mula Philcoa hanggang sa Tandang Sora Avenue mula alas-8 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali.

Sa bahagi naman ng COA at Sandiganbayan pinayagan na makapagprograma ang pro-administration rallies. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us