Sa walang tigil na pag-ulan dahil sa Bagyong #EgayPH, naapektuhan rin ang siyudad ng Bacolod ng pagbaha.
Sa pagbaha sa ilang lugar sa siyudad, aktibo ang Bacolod City Police Office sa pagtulong kag pag-rescue sa mga residenteng apektado ng baha.
Ito ay pagtalima sa direktiba ni Police Regional Office 6 Director P/Brigadier General Sidney Villaflor at Bacolod City Mayor Albee Benitez na dapat maging alerto at handa ang lahat sa Bagyong Egay.
Ayon kay Bacolod City Police Office Director P/Col. Noel Aliño, sa panahon ng kalamidad nakahanda ang kapulisan na tumulong sa mga apektadong residente.
Sa epekto ni Bagyo Egay sa siyudad, pinalakas pa ng BCPO ang police visibility at nakahanda 24/7 ang search and rescue team ng BCPO para magsagawa ng rescue operations para sa mga residenteng nangangailangan ilikas.| ulat ni Paul Tarrosa| RP1 Iloilo