Pinasasampahan ni House Appropriations Committee Chair at AKO BICOL party-list Rep. Elizaldy Co ng kasong economic sabotage ang private individuals at mga kasabwat nilang government official na mapapatunayang nasa likod ng malawakang smuggling at pananamantala sa taumbayan.
Kasunod ito ng pagbibigay papuri sa atas ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. na magsagawa ang DOJ at NBI ng malalimang imbestigasyon laban sa agricultural smugglers, hoarders at price fixers.
Aniya ipinapakita lamang nito na seryoso si PBBM na panagutin ang criminal syndicates na bumibiktima sa milyun-milyong Pilipino.
Nagalak din si Co dahil ang utos ng pangulo ay isang pagkilala sa ikinasang imbestigasyon ng Kamara sa pangunguna ni House Speaker Martin Romualdez, Congressman Mark Enverga at Congresswoman Stella Quimbo, ukol sa hoarding, smuggling, at price fixing ng mga agricultural product partikular ang sibuyas.| ulat ni Kathleen Jean Forbes