Mga senador, nanawagan sa publiko na patuloy pa ring mag-ingat vs. COVID-19

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kasunod ng pag-aalis ng State of Public Health Emergency sa Pilipinas, umapela si Senate Committee on Health Chairperson Senador Christopher ‘Bong’ Go sa executive branch na tiyaking maibibigay sa mga healthcare workers sa bansa ang mga benepisyo at allowances na dapat nilang nakuha nitong pandemya ayon sa batas.

Kabilang na aniya dito ang mga hindi pa naibibigay na COVID-19-related allowances at mga death benefit ng mga healthcare workers na nasawi sa pagharap sa laban ng bansa kontra COVID-19.

Nanawagan rin si Go sa lahat ng mga Pilipino na patuloy pa ring mag-ingat, alagaan ang sarili, at unahin ang kalusugan.

Hinikayat rin ni Senador Jinggoy Estrada ang lahat na patuloy pa ring mag-ingat at sumunod pa rin sa mga health guidelines.

Ayon kay Estrada, ang pag-aalis sa State of Public Health Emergency ay hindi dapat maging dahilan para manumbalik sa nakagawian at sa halip ay dapat aniyang isaisip na tayo ay nasa “new normal” na.

Dinagdag rin ng senador na kailangang maging bukas ang pag-iisip ng lahat sa mga programa ng gobyerno gaya ng pagpapabakuna at pagsunod sa health protocols. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us