Nagbalik na ang operasyon ng 34 mula sa 121 pantalan na naapektuhan dahil sa pananalasa ng bagyong Egay.
Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), karamihan sa mga nagbukas na pantalan ay mula sa MIMAROPA at Bicol region.
Bumaba naman sa 2,943 pasahero ang stranded sa Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol, Western Visayas, Eastern Visayas, at National Capital Region (NCR).
Habang hindi pa rin pinayagang maglayag ang 55 barko, 27 motorbanca at 559 rolling cargoes.
Samantala, kanselado ang 25 domestic flights dahil sa masungit na panahon. | ulat ni Leo Sarne