Ipinagutos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagkilala sa Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program (4PH), bilang flagship program ng pamahalaan.
Sa bisa ng Executive Order no. 34, pinagsusumite ang lahat ng tanggapan ng pamahalaan, LGUs, at GOCCs ng detalyadong investory ng lahat ng available at suitable lands, para sa implementasyon ng programa.
Ang Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD) ang mangunguna sa pagtitiyak na maisasakatuparan ang programa.
Ito rin ang mangunguna sa pagtukoy ng mga lupaing maaaring gamitin para sa housing at human settlements, township at estate development.
Ang tanggapan rin ang dapat na magrekomenda sa pangulo, ng mga kakailanganing proklamasyon, upang mai-deklara ang public lands na angkop sa programa.
“To ensure the success of the 4PH program, the administration acknowledged the need to strengthen the DHSUD and its key shelter agencies and ensure the support of NGAs and LGUs. According to the Philippine Development Plan 2023-2028, the country’s housing need estimates have accumulated to 6.8 million in 2017-2022.” —PCO.
Pirmado ng pangulo ang kautusan, ika-17 ng Hulyo, 2023. | ulat ni Racquel Bayan