MIF bill at extension ng estate tax amnesty, maisasabatas bago ang SONA, ayon kay Senador Gatchalian

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kumpiyansa si Senate Committee on Ways and Means Chairman Senador Sherwin Gatchalian na magiging ganap na batas ang Maharlika Investment Fund (MIF) bill at extension sa estate tax amnesty bago ang state of the nation address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa July 24.

Ayon kay Gatchalian, sinabi ng Presidential Legislative Liason office (PLLO) na sa ikatlong linggo ng buwang ito o sa susunod na linggo na naka-schedule na lagdaan ng pangulo ang naturang mga panukalang batas.

Tiwala ang senador na hindi mave-veto ang panukalang dalawang extension ng estate tax amnesty.

Marami na aniya sa ating mga kababayan na gusto pang mag-avail ng estate tax amnesty ang naghihintay na malagdaan na ito ng pangulo.

Naniniwala rin ang mambabatas na hindi mave-veto ang MIF bill dahil suportado ito ng economic team at mismong ni Pangulong Marcos.| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us