MIF, inaasahang magiging operational ngayong 2023; Epekto nito, agad na mararamdaman sa 2024

Facebook
Twitter
LinkedIn

Posibleng sa susunod na taon, agad na mararamdaman ang epekto ng Maharlika Investment Fund (MIF) sa bansa.

Ito ayon kay Senator Mark Villar ay dahil sa katapusan ng taon inaasahang makukumpleto na ang implementing rules and regulations (IRR) ng batas, na nalagdaan ngayong araw (July 18).

Ibig sabihin, agad rin itong magiging operational.

Sa ambush interview sa Malacañang, binigyang diin ng senador na maraming proyekto ang inaasahang mapopondohan ng MIF, kabilang na sa linya ng information communications technology, agrikultura, at imprastruktura.

“Marami pong opportunities for investment sa Pilipinas. So I’m sure the board of the Maharlika will be able to choose the best investments pag na-constitute na po.” —Senator Villar.

Ayon sa mambabatas, posible ring mapabilang sa State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo ang nalagdaang Maharlika Investment Fund.

“I think so. I think he will include it. Most likely. I supposed. Of course, hindi naman ako kasama sa planning group SONA but I would assume na kasama.” —Senator Villar. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us