MIF, inaasahang mapapalawig ang fiscal space ng pamahalaan — House Speaker Romualdez

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ikinalugod ni House Speaker Martin Romualdez ang tuluyang pagsasabatas ng Maharlika Investment Fund (MIF) Act o Republic Act (RA) 11954.

Aniya, ngayon ay may dagdag pagkukunan na ng pondo ang pamahalaan sa pagpapatupad ng big-ticket infrastructure projects nang hindi kailangan mangutang o magpataw ng dagdag na buwis.

Makatutulong din aniya ito upang mapaluwag ang fiscal space ng bansa upang hindi na umasa sa local funds o development assistance.

Kaya naman mas makapaglalaan na rin ang pondo sa ilalim ng pambansang budget para sa mahahalagang social services gaya ng edukasyon at kalusugan.

“The MIF is not only beneficial but necessary at this point in time. While the Philippines can offer investment opportunities, given that we are still a growing economy, we see that the cost of debt has risen, making the need to explore other vehicles to attract equity financing such as Maharlika Investment Corp. (MIC)/MIF urgent.” diin ni Speaker Romualdez.

“The MIC/MIF is an investment for the future that we need to start building now. It is an ideal vehicle that is well-positioned to bring in investments as the Philippine economic outlook remains robust amid the global economic slowdown,” dagdag ng House leader.

Positibo naman si Romualdez na bubuhos pa ang mga interesadong mamumuhunan sa MIF oras na pormal itong ilunsad at tiyak na magreresulta sa dagdag na trabaho para sa mga Pilipino at pag-unlad sa buong bansa. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us