MIF law, malaki ang maitutulong sa pagbangon ng ekonomiya ng pilipinas ayon kay Senador Mark Villar

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinuri ni Senador Mark Villar ang napapanahong pagpirma bilang ganap na batas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Maharlika Investment Fund (MIF) law o ang Republic Act 11954.

Ayon kay Villar, ang pagkakapirma ng Maharlika Law ay nagpapakita na ang pagbangon ng ekonomiya ng ating bansa ang isa sa mga pangunahing prayoridad ng Marcos Administration.

Sinabi ng Senate Committee on Banks chairman na sa pamamagitan ng MIF law ay makakagawa ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino at makakapagbigay ng nararapat na pondo para sa iba’t ibang mga sektor gaya ng agriculture, energy, health, information technology at infrastructure.

Pinunto ng senador na ang MIF law ay isang historic legislation dahil ito ang unang sovereign investment fund ng Pilipinas.

Ngayon aniya ay makakasabay na tayo sa iba pang mga bansa na mayroon rin sarili nilang sovereign wealth fund.

Binigyang-diin ni Villar na buo ang suporta niya sa layunin ng kasalukuyang administrasyon na isulong ang economic recovery at iangat ang pamumuhay ng mga Pilipino.| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us