MMDA, hinikayat ang publiko na bawasan ang paggamit ng single-use plastics

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinikayat ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ang publiko na labanan ang plastic pollution sa pamamagitan ng pagbawas ng paggamit ng single-use plastics gaya ng plastic na kutsara at tinidor, at plastic bottles.

Ang panawagan ay ginawa ng MMDA matapos makita sa kanilang clearing operation ang mga nasabing basura ang karaniwang nakikita sa mga estero, kanal, at daluyan ng tubig na kadalasang nagiging sanhi ng mga pagbaha.

Ayon sa ahensya, kung mababawasan o ‘di kaya’y iiwasan ang paggamit ng single-use plastics, mababawasan din ang mga ganitong basurang napupunta sa landfill at dumadaloy sa katubigan na posibleng makasama sa kalusugan.

Nanawagan din ang MMDA na magkaroon ng disiplina sa pagtatapon ng basura, marami kasi ang nahahakot na mga basura sa mga trash trap na inilalagay sa ilang estero malapit sa pumping stations.

Ang pagbawas sa paggamit ng single-use plastics ay isa sa isinusulong ng waste management programs sa ilalim ng Metro Manila Flood Management Project Phase 1 na layong mabawasan ang pagbaha sa Kalakhang Maynila. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us