Tumulak na kagabi ang 20-man team ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) papuntang Cordillera Administrative Region para tumulong sa mga sinalanta ng bagyong Egay.
Ayon kay MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes, ang contingent ay mula sa Public Safety Division ng MMDA.
Tatlong team ang ipinadala sa Kabayan, Abra habang ang isang team naman ang pupunta sa Benguet.
Dala ng mga personnel ang mga water purifiers na ilalagay sa mga komunidad na nakararanas ng kakulangan sa suplay ng tubig.
Ito ay solar-powered water purifier units na may kapasidad na mag-filter ng 180 gallons ng tubig kada oras.
Tutulong din ang mga ito sa road clearing operations sa mga lugar na nagkaroon ng pagbaha at landslide.
Bukod sa 50 units ng water purifiers, nagdala rin ang MMDA team ng chainsaw, rotary saw, generator, rechargeable light, at iba pa. | ulat ni Rey Ferrer