MSSD, nagsagawa ng house to house distribution ng Hadiya Care Package sa Sibutu, Tawi-Tawi

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasa 17 indigent senior citizen ang target na benepisyaryo ng Hadiya Care Package mula sa tanggapan ng Ministry of Social Services and Development (MSSD) sa bayan ng Sibutu, Tawi-Tawi.

Ang Hadiya Care Packages para sa matatandang Bangsamoro ay isa sa mga programa mula sa Older Persons and Person’s with Disability Welfare Program (OPPWDWP).

Layunin ng naturang programa na gawing prayoridad ang pagbibigay suporta sa mahihirap na senior citizen at bigyang proteksyon ang kanilang kapakanan.

Samantala, ang bawat Hadiya Care Package na natanggap ng mga benepisyaryo ay naglalaman ng digital blood pressure monitor, finger pulse oximeter, temperature scanner, pillbox, two boxes disposable face mask, liniment oil, rubbing alcohol,two packs of adult diapers, hot and cold compress device, talcum powder, mentholated rub, a wooden back scratcher, two packs of powdered milk, pair of socks, towel, burn ointment, providone-iodine, gauze bandage, surgical tape, cotton balls, at tissue rolls. | ulat ni Laila Sharee Nami | RP1 Tawi-Tawi

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us