Muntinlupa LGU, idineklara ang Nov. 17 bilang ‘Students’ Day’

Facebook
Twitter
LinkedIn

Idineklara ng lokal na pamahalaan ng Muntinlupa ang ika-17 ng Nobyembre simula ngayong taon bilang Students’ Day, batay sa bisa ng City Ordinance 2023-095.

Layon ng nasabing ordinansa na palakasin ang partisipasyon ng kabataan sa nation-building.

Ayon kay Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon, mahalaga sa pamahalaang lungsod na magkaroon ng ambag ang mga kabataan sa pagbuo ng isang maayos na lipunan.

Magbibigay rin ang nasabing selebrasyon ng daan para sa pagkaroon ng pagkatuto at empowerment, tulad ng pagkakaroon ng education summit, student leadership forum, trainings, seminars, workshops, at competitions.

Ginugunita ang Students’ Day sa ibang mga bansa tuwing ika-17 ng Nobyembre upang alalahanin ang katapangan ng siyam na Czech students na tumindig laban sa Nazi regime noong 1939 at kalauna’y binitay. Noong 1941 naman nang una itong ginunita sa London ng International Students’ Council. | ulat ni Gab Humilde Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us