Nakaambang epekto ng El Niño, mas lalong nagpapalakas sa panawagan na itatag na ang Department of Water Resources

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isa sa mahahalagang hakbang ng pamahalaan para tugunan ang epekto ng El Niño ay ang pagtatatag ng Department of Water Resources.

Ayon kay AGRI Party-list Representative Wilbert Lee, kailangang paghandaang mabuti ng pamahalaan ang El Niño lalo pa at inaasahan na makakaapekto ito sa mga pananim ngayong taon, partikular sa bigas.

Paalala ng mambabatas, hindi ito ang una at huling pagkakataon na makakaranas tayo ng krisis sa tubig kaya mahalaga na mapagana na ang kagawaran na mamamahala sa ating water resources.

Punto pa ng kinatawan na nabanggit na mismo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kaniyang unang State of the Nation Address (SONA), kaya’t marapat lamang na itulak ito sa pagbubukas ng Kongreso sa Lunes.

“Mahalaga ang tubig sa kalusugan nating lahat, sa ating food supply, at sa ating agricultural and industrial development. Kaya naman kapag maayos ang pangangasiwa sa ating tubig ay siguradong Winner Tayo Lahat,” dagdag ng party-list solon. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us