Hindi pa raw makikita ang epekto ng El Niño sa ekonomiya ng bansa ngayong taon.
Sa news forum, sinabi ni National Economic and Development Authority Undersecretary Rosemarie Edillon, ang nararanasang El Niño ay walang magiging epekto sa presyo ng mga bilihin at paggalaw ng inflation rate.
Aniya, posibleng sa unang bahagi pa ng susunod na taon inaasahang maramdaman ang epekto ng tagtuyot.
Sa pagsapit ng naturang panahon, marami nang magsasaka ang tapos nang makapagtanim at hindi na kinakailangan ng irigasyon.
Sinabi pa ni Usec Edillon, asahan pa raw ang patuloy na pagbaba ng inflation rate hanggang sa katapusan ng taon.
Batay sa pagtaya ng NEDA ay bababa ito ng dalawa (2%) hanggang apat na porsiyento (4%) mula sa kasalukuyang lima punto apat na porsiyento (5.4%). | ulat ni Rey Ferrer