Magpapatupad ng kanilang bawas presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis bukas, Hulyo 4.
Nasa P0.70 ang ipatutupad na bawas presyo sa kada litro ng gasolina at diesel habang nasa P0.85 naman ang bawas presyo sa kada litro ng kerosene.
Unang magpapatupad ng kanilang bawas presyo sa gasolina at diesel ang mga kumpanyang CleanFuel at Caltex ganap na alas-12:01 ng hatinggabi. Habang alas-6 ng umaga naman susunod ang mga kumpanyang Pilipinas Shell, SeaOil, PetroGazz, Phoenix Petroleum, Jetti at UniOil. | ulat ni Jaymark Dagala