Nakahanda na ang National Captial Region Police Office (NCRPO) sa paglalatag ng seguridad sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Lunes, July 24.
Ayon kay NCRPO Acting Regional Director Brigader Geneal Jose Nartatez Jr., ito’y dahil sa mga ipinakita ng mga bawat Police districts sa Metro Manila sa isinagawang Civil Dispersal Management Exercise kahapon.
Ipinakita ng bawa Police districts ng National Captial Region maging ang Regional Mobile Force Batallion ng NCRPO ay nakaantabay na rin sa magiging SONA ng Pangulo sa darating na Lunes.
Dagdag pa ni Nartatez na nakahanda na rin ang nasa 32,000 na pulis sa naturang pagtitipon upang magbantay sa seguridad at panatilihin ang kapayapaan ng mga magsasagawa ng mga kilos protesta sa Lunes.
Makakaasa naman ayon kay General Nartatez na papairalin nila ang maximum tolerance bagay na ginagawa ng mga Police districts na lumahok sa naging exercise kahapon. | ulat ni AJ Ignacio