Naniniwala si National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson, Director Edgar Posadas na maalpasan ng bansa ang hamong dulot ng El Niño sa pamamagitan ng “Whole of Government” approach.
Ayon kay Posadas, sa pagtutulungan ng lahat ng ahensya ng pamahalaan ay matutugunan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan na apektado ng matinding tagtuyot.
Kasama aniya sa mga hakbang na gagawin ng NDRRMC at ng iba’t ibang ahensya sa El Nino ang:
- Cloud seeding operations sa mga lugar na makakaranas ng matinding tagtuyot.
- Pagbibigay ng emergency water support sa pamamagitan ng pagkakalat ng water tanker.
- Pagtitiyak sa maayos na water supply line para walang masayang na tubig.
- Pagbibigay ng binhi sa mga magsasaka na kayang maka-survive sa mainit na panahon.
- Pagbibigay ng tulong pinansyal at iba pa.
Samantala, sinabi naman ni Posadas na regular ang meeting ng Inter-Agency Task Force para sa El Niño para sa close monitoring ng epekto nito sa bansa. | ulat ni Leo Sarne