NEDA, ibinida ang mga nagawa ng ahensya sa unang taon ng administrasyon Marcos

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inilatag ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang mga nagawa ng ahensya upang maisulong ang paglago ng ekonomiya ng bansa sa unang taon ng administrasyong Marcos.

Sa inilabas na pahayag ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan, ilan sa mga matagumpay na nagawa nito ang pagbuo ng 8-Point Socioeconomic Agenda na magsisilbing gabay sa socioeconomic initiatives ng pamahalaan.

Kabilang din ang pagbuo ng Medium-Term Fiscal Framework, ang P5.2 trillion na People’s Enacted Budget para sa taong 2023, at ang Philippine Development Plan 2023 to 2028 na medium-term development blueprint ng Pilipinas para masagana at matatag na bansa.

Naniniwala naman ang kalihim na sa kabila ng mga hamon na kinaharap at nalampasan sa nakalipas na taon ay marami pa aniya ang kailangang gawin.

Tiniayak naman ni Balisacan na sa tulong ng 8-Point Socioeconomic Agenda at ng PDP 2023 to 2028, patuloy na makikipagtulungan ang NEDA sa mga pribadong sektor upang maabot ang development targets.| ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us