NEDA, patuloy na tututukan ang pagpapalakas ng ekonomiya at pagppapababa ng inflation rate ng bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy na tututukan ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang pagpapalakas ng ekonomiya at pagpapababa ng inflation rate sa bansa.

Sa isinagawang Post-State of the Nation Address (SONA) Philippine Economic Briefing sa Pasay, kaninang umaga, sinabi ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan, na makakaasa ang taumbayan na mas lalago pa ang sitwasyon ng ating ekonimya sa mga susunod pang mga taon.

Ito ay dahil na rin sa mga polisya ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa economic recovery ng ating bansa, para mas mapababa pa ang inflation rate ng bansa at bumaba ang presyo ng mga pangunahing bilihin.

Dagdag pa ni Balisacan, na nakapagtala ng 6.4 percent ang gross domestic product (GDP) sa unang quarter ng 2023 na mas mataas kumpara noong nakaraang taon na may kabuuang 7.6 percent.

Samantala, muli namang sinabi ni Secretary Balisacan sa publiko, na patuloy ang pagtugon ng NEDA alinsunod sa Philippine Development Plan 2023-2028, na magbibigay direksyon sa itatakbo ng Pilipinas sa susunod na limang taon, na ika-uunlad ng ating bansa. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us