Tiniyak ni National Economic and Development Authority o NEDA Secretary Arsenio Balisacan na hindi maaapektuhan ng Maharlika Investment Fund ang national budget ng bansa para sa 2024.
Ayon kay Balisacan, ang pondo na ilalagak sa MIF ay ‘idle funds’ o pondo na hindi ginagamit ng Land Bank of the Philippines at Development Bank of the Philippines.
Kaya aniya hindi ito makakaapekto sa national budget ng bansa.
Paliwanag pa ni Balisacan, makatutulong ang MIF para makakakuha ng mas maraming pondo para sa gastusin ng pamahalaan sa mga proyekto nito sa pamamagitan ng investments.
Matatandaang sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na ita-tap nito ang assets ng bansa para sa ibang investment na makalilikha ng karagdang pondo para sa taumbayan.
Bubuo naman ng Maharlika Investment Corporation na siyang mamamahala sa paggamit ng MIF. | ulat ni Diane Lear