NGCP, nangakong ipatutupad ang mga hangarin ng Pangulo para sa sektor ng enerhiya

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakahanda ang National Grid Corporation of the Philippines na sundin ang mga inisyatibong pang-enerhiya na inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa katatapos na State of the Nation Address.

Ipinangako ng NGCP na ibubuhos nito ang gawain tungo sa pagkumpleto ng mga kritikal na proyekto habang pabibilisin ang pagtatapos sa iba pang nakakasa na.

Habang kinikilala nito ang kahalagahan ng pagpasok ng renewable energy sa pangkalahatang energy mix, sasamantalahin ng NGCP ang pagiging partner nito sa State Grid Corporation of China (SGCC).

Kilalang eksperto sa renewable energy ang SGCC at magagamit ito ng NGCP upang paunlarin ang mga kapabilidad nito.

Pinaiigting din ng NGCP ang pagpapatatag ng grid laban sa mga sakuna at pagtitibayin din nito ang patuloy na isinasagawang ‘upgrading’ ng mga kagamitan at tauhan nito.

Matagal na raw tinatrabaho ng NGCP ang mga puntong nabanggit ng Pangulo sa kanyang SONA.

Ayon kay NGCP President at CEO Anthony Almeda, naniniwala ito na nasa tamang landas ang NGCP at lalo pang pagsisikapang maisakatuparan ang mga programa sa lalong madaling panahon. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us