NGCP shareholder agreement, posibleng labag sa Konstitusyon—Sen. Sherwin Gatchalian

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinunto ni Senador Sherwin Gatchalian na posibleng paglabag sa Konstitusyon ang kasunduan ng mga shareholder ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na pumipigil sa majority shareholders na magtipon, magpulong, at gumawa ng mga emergency decision kapag hindi present ang minority shareholders.

Giit ni Gatchalian, maliwanag ang batas na naglilimita sa mga dayuhan ng hanggang 40 percent na pagmamay-ari sa isang kumpanya sa bansa at naglalayong pangalagaan ang interes ng mga Pilipino.

Sa kaso ng NGCP, sinabi ng senador na may 60percent na majority stake ang mga Pilipino na miyembro ng board samantalang 40percent ang interes sa kumpanya ng State Grid Corporation of China (SGCC).

 Pero kung pagbabasehan ang internal agreement ng NGCP board, lumalabas na hindi maaaring magtipon, magpulong, at magsagawa ng desisyon ang board kung wala ang minority stakeholders na mga Chinese.

 Mangyayari lamang ito pagkatapos magpulong at mag-adjourn ng dalawang beses ang board.

Ayon sa Senador, tila tinatali ng probisyong ito ang mga kamay ng Filipino shareholders samantalang ang mga Pilipino sa board ay dapat palaging nasa kontrol sa pamamahala ng operasyon ng kumpanya.

Ang kasunduan ay nangangahulugan aniya na ang mga Filipino majority shareholders ay hindi makakagawa ng desisyon, lalo na kapag may emergency o mga bagay na may kinalaman sa pambansang seguridad.

Sinabi ni Gatchalian na kailangang pag-aralan ang isyu na ito dahil ang sinasabing internal agreement ng NGCP board ay isang pag-iwas sa requirement na nakasaad sa saligang batas.  | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us