NGCP, tiniyak na kontrolado pa rin ng mga Pilipino ang operasyon kahit may Chinese na Board of Directors

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na nananatiling kontrolado pa rin ng mga Pilipino ang operasyon nito sa kabila ng pagkakaroon ng mga Chinese na bahagi ng Board of Directors.

Ito ay makaraang kwestyunin ni Senador Raffy Tulfo, kung nababraso ba ng mga Tsinong kasosyo na nagmamay-ari ng 40% ng NGCP, ay nakakaantala sa operasyon ng NGCP base sa kanilang posisyon sa board.

Ayon kay Atty. Cynthia Alabanza, pinuno ng Corporate Communications ng NGCP, apat lamang ang mga Chinese sa kanilang lupon na may 10 miyembro habang ang iba pang miyembro ng lupon at lahat ng iba pang staff ng buong kumpanya ay mga Pilipino.

Nababahala naman nina Senador Tulfo at Senador Sherwin Gatchalian, dahil sa nakita nilang isang probisyon sa mga patakaran ng NGCP na maaaring hindi matuloy ang pagtitipon-tipon ng lupon kung wala ang Chinese partners.

Sinagot ni Alabanza, na ito ay isa lamang kortesiya sa mga kasosyong banyaga at maaari lamang magamit ng dalawang beses.

Ngunit kung sakali naman daw na mambraso ang mga Chinese na bahagi ng board, hindi daw dapat ito ikabahala dahil maaari naman ipatigil ang pagtitipon ng mga Filipino Board of Director.

Ang mga apurahan at importanteng desisyon ay maaaring tugunan ng presidente at chief executive officer ng kumpanya na isang Filipino.

Nilinaw din ng NGCP, na ang 40% na pag-aari ng mga Chinese ay naaayon sa batas at kinakailangan, dahil walang local bidder na kayang punan ang technical requirements upang makamit ng NGCP ang mga layunin nito.

Maaalalang ang NGCP ang pumalit sa National Transmission Corporation noong minandato ng gobyerno na i-privatize ang grid operations sa bansa.

Ang Tsino ay lumahok at nanalo sa open bidding na naganap para maging foreign technical partner, na pasado sa mga pamantayan ng Electric Power Industry Reform Act o EPIRA.

Pinabulaanan naman ni Alabanza, na mahigit P300 bilyon na ang nagagastos ng NGCP sa imprastrakturang pang transmisyon mula noong 2009, at mas malaki rin ang kanilang nailabas kumpara sa mga investment ng gobyerno. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us