NHA, nanguna sa groundbreaking ng pabahay para sa Cotabato quake victims

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magsisimula na ang konstruksyon para sa pabahay ng National Housing Authority (NHA) sa mga nasalanta ng lindol sa Cotabato noong 2019.

Pinangunahan ni NHA General Manager Joeben Tai ang groundbreaking at capsule-laying ceremony sa naturang pabahay na itatayo sa Makilala, Cotabato ngayong umaga.

Ayon sa NHA, nasa kabuuang 1,329 pamilya mula sa mga barangay Bato, Buenavida, Buhay, Cabilao, Indangan, Luayon, Malabuan, Malasila, at Sto. Niño ang makikinabang sa proyektong pabahay.

Itatayo ito sa ilalim ng Housing Assistance Program for Calamity Victims ng ahensya na layong bigyan ng bagong matitirhan ang mga pamilyang naaapektuhan ng kalamidad.

Sa kanya namang mensahe, tiniyak ni GM Tai na ang mga pabahay na itinatayo ng NHA ay matibay at kayang malampasan ang mga kalamidad na gaya ng lindol.

“The NHA will continue to partner with other government agencies and the private sector to fulfill the agency’s mandate to provide quality homes and progressive communities for low-income and marginalized Filipino families.” | ulat ni Merry Ann Bastasa

📷: NHA

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us