Nakabuo na ng kani-kanilang El Niño Action Plan ang Regional Offices ng National Irrigation Administration (NIA) sa buong bansa.
Nakapaloob sa Action plan ang iba’t ibang mitigating measures, tulad ng iskedyul ng water delivery, paggamit ng Alternate Wetting and Drying (AWD) Technology, Diversification of Crops, at paggamit ng early maturing at drought-resistant crop varieties.
Ilan pa sa mga isinasagawang diskarte ng NIA ang preparatory activities, tulad ng weekly monitoring at updating sa kondisyon ng dams, Information, Education and Communication (IEC) activities, at pag- adjust sa planting calendar sa panahon ng tag-ulan.
Regular na ring nagsasagawa ng Regional Coordination Meetings and Discussions ang NIA Field Offices sa buong bansa bilang bahagi ng mitigating measures para sa El Niño.
Batay sa ulat ng NDRRMC, abot sa 46 lalawigan ang maapektuhan ng tagtuyot at ang Ilocos Norte, Bataan, at Cavite ang grabeng tatamaan nito.
Tiwala ang NIA na malampasan ng bansa ang epekto ng El Niño phenomenon dahil na rin sa ginagawang pagtutulungan ng ibat-ibang ahensiya ng pamahalaan.| ulat ni Rey Ferrer