Ipinagmalaki ng water concessionaire na Manila Water ang patuloy na pananatili ng mababang non-revenue water (NRW) nito na malaking factor kaya tuloy-tuloy ang 24/7 na water supply sa mga customer nito sa eastern Metro Manila.
Ayon sa Manila Water, napanatili nito sa average rate na 13.35% ang NRW o system loss hanggang nitong Hunyo.
Isa na aniya ito sa may pinakamababang Non-Revenue Water (NRW) sa buong rehiyon ng Asya.
Ang NRW or system loss ay isang sukatan ng maayos na operasyon ng isang water service provider.
Paliwanag ng Manila Water, habang naipabababa ang NRW ng isang water utility, mas konti ang nasasayang na tubig at mas marami namang customers ang nakikinabang dito.
Ilan naman sa mga hakbang na ipinatutupad ng naturang water concessionaire para mapababa ang NRW ang regular na maintenance checks, pag-alis ng mga illegal connections at gayundin ang rehabilitasyon sa higit 5300-km distribution network nito. | ulat ni Merry Ann Bastasa