NORDECO, muling nasita ng mga senador dahil sa sumbong ng patuloy na brownout sa Davao del Norte

Facebook
Twitter
LinkedIn

ππŽπ‘πƒπ„π‚πŽ, πŒπ”π‹πˆπ† ππ€π’πˆπ“π€ 𝐍𝐆 πŒπ†π€ π’π„ππ€πƒπŽπ‘ πƒπ€π‡πˆπ‹ 𝐒𝐀 π’π”πŒππŽππ† 𝐍𝐆 ππ€π“π”π‹πŽπ˜ 𝐍𝐀 ππ‘πŽπ–ππŽπ”π“ 𝐒𝐀 πƒπ€π•π€πŽ 𝐃𝐄𝐋 ππŽπ‘π“π„

Muling nasita ng mga senador ang Northern Davao Electric Cooperatives Inc. (NORDECO) dahil sa patuloy pa ring pawala-walang suplay ng kuryente sa rehiyon.

Batay kasi sa pahayag ng NORDECO sa Senado, ‘as of’ June 5, 2023 ay wala na silang naitatalang rotational brownout sa Samal island at kung mayroon mang brownout ito na lamang ay mga scheduled interruptions para sa line maintenance at pagpapalit ng mga poste.

Pero sa naging pagdinig ng Senate Committee on Energy, mismong si Davao del Norte Governor Edwin Jubahib ang nagsabing wala pa ring katapusan ang brownout sa Davao del Norte at sa Samal Island.

Sinabi pa ng gobernador na marami na ring mga negosyo ang nalulugi at nasisirang mga gamit dahil sa pawala-walang kuryente.

Maging si Senador Bong Go ay pinatunayan na tuloy-tuloy pa rin ang brownout sa probinsya nang siya mismo ay nakaranas ng power interruption nang bumisita siya sa Tagum nitong Hunyo.| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us