Nasawi sa pakikipaglaban sa mga tropa ng Joint Task Force (JTF) Diamond ang notoryus na lider ng teroristang komunista sa engkwentro sa Barangay Libertad, Gingoog City, Misamis Oriental.
Kinilala ni Eastern Mindanao Command (EastMinCom) Commander Lieutenant General Greg Almerol ang nasawing lider komunista na Dionesio Micabalo, alyas Muling, regional secretary ng North Central Mindanao Regional Committee (NCMRC), at miyembro ng Communist Party of the Philippines (CPP) Central Committee.
Ayon kay Lt. Gen. Almerol ang grupo ni Micabalo ay responsable sa karahasan at criminal activities sa bahagi ng Bukidnon, Misamis Oriental, at bahagi ng Agusan del Norte at Agusan del Sur.
Nahaharap si Micabalo sa kasong double murder with frustrated murder, multiple frustrated murder, arson, murder, at paglabag sa RA 9851 o Philippine Act on Crimes Against International Humanitarian Law, Genocide and Other Crimes Against Humanity.
Inaasahan ng militar na ang pagkamatay ni Micabalo ay magreresulta sa tuluyang pagbuwag ng NCMRC at pagsuko ng mga nalalabing miyembro ng NPA sa Eastern Mindanao. | ulat ni Leo Sarne
📸: EastMinCom