NTF-ELCAC, nagpasalamat sa Pangulo sa paglikha ng peace and development office sa lahat ng ahensya ng gobyerno

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpasalamat si National Security Adviser at National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Vice Chairman Sec. Eduardo Año sa Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa paglikha ng Project Management Office o Peace and Development Office sa lahat ng departamento, bureau, tanggapan, ahensya, at “instrumentality” ng gobyerno.

Ang naturang tanggapan ang tututok sa pagpapatupad ng mga programa at proyekto ng NTF-ELCAC sa buong bansa, bilang bahagi ng “Whole of Nation Approach” sa pagwawakas ng insurhensya.

Ayon kay Año, sa pamamagitan nito ay masisiguro na agarang maipatutupad ang mga proyekto ng gobyerno sa mga lugar na na-clear sa NPA, para makamit ang pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran.

Sinabi ni Año na naakma ang kautusan ng Pangulo lalu pa’t nakamit na ng NTF-ELCAC ang strategic victory laban sa kilusang komunista sa pagkakabuwag ng halos lahat ng NPA guerilla front sa buong bansa.

Kaugnay nito, inatasan ni Año si NTF-ELCAC Executive Director Usec. Ernesto “Jun” Torres, Jr. na agad makipag-ugnayan sa lahat ng line agency para sa pagpapatupad ng direktiba ng Pangulo. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us