Nutri Fun Run, ginanap sa Mandaluyong kaugnay sa paggunita ng ika-49 Nutrition Month

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ginanap ngayong umaga ang 14th Nutri Fun Run sa lungsod ng Mandaluyong kaugnay sa paggunita ng ika-49 Nutrition Month ngayong Hulyo.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Mandaluyong City Nutrition Committee at City Health Department.

Kasama sa fun run ang mga empleyado ng iba’t ibang departamento ng local govermment unit ng Mandaluyong, Bureau of Fire Protection, mga miyembro ng PNP, mga estudyante at iba pang sektor.

Dahil dito, isinara pansamantala sa daloy ng trapiko ang bahagi ng Martinez Avenue at New Fabella Road, mula Maysilo hanggang 9 De Pebrero at Acacia Lane.

Sinimulan ito kaninang alas-4:00 ng madaling araw at tatagal hanggang alas-7:00 ngayong umaga.

Lahat ng motorista ay, pinapayuhan na dumaan muna sa ruta ng Boni Avenue, P. Cruz at Acacia Lane sa nasabing oras.

Samantala, iba’t ibang aktibidad sa lungsod ang nakahanay na araw-araw hanggang sa katapusan ng buwan ng Hulyo. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us